Menos Kuwarto ni Mesandel Virtusio Arguelles

March 26, 2010

Arguelles, Mesandel Virtusio. Menos Kuwarto. Quezon City: The Pithaya Press, 2002.

1. Proyekto ni Arguelles ang pagsasakataga sa mga “walang ngalang bagay” at mga pangyayaring hindi kakikitaan ng dahilan. Halimbawa, sa “Pagbisita sa Noveleta” (15): “Halos nalimot/ na nga natin kung gaano kasarap matulog/ maghapon at gisingin ng halik/ o halimuyak ng umuusok na kape—/ mga walang ngalang bagay, o kahangalan—/ subalit wala pa rin tayong nakikitang/ dahilan sa mga pangyayari—pag-iral/ halimbawa ng dilim—”. Ganito rin sa “Enigma”: “Mahirap malimutan/ ang gayong pagtatagpo;/ tulad din ng larawan sa dibdib,/ isang tangkay ng bugambilya,/ at pagkatapos, wala na.”

2. Nananalamisim ang persona sa karamihan sa tula lalo na’t marami sa mga tinalakay ay tungkol sa pagkabata at kamatayan. Walang mababakas na nangangaral na tinig. Sa halip ay isang aktibong pagsuko ang ginagawa ng persona sa pamamagitan ng pag-ako sa kanyang kalagayan na hindi niya mauunawaan ang lahat, may mga bagay at pangyayaring hindi mapangalanan at hindi matukoy ang dahilan, at isang trahedya ang buhay na puwedeng tingnan bilang biro lamang at hugutan ng pagkamangha.

3. Personal ang mga tula ni Arguelles sa koleksiyong ito dahil sa paggamit ng mga personal na detalye na sinusundan ng mga pahayag ng realisasyon. Sa “Lipat” (96), isa-isang sinipat ng persona ang lahat ng sulok ng bahay at ang mga kakabit nitong alaala bilang pagpapaalam bago lumipat. Gaya ng lahat ng bagay o pangyayaring pinagbuhusan ng oras, nagkakaroon ang tao ng malapit na relasyon sa mga ito:

          Sa itinakda at inihaba ng panahon

          anino silang masugid na tagasubaybay

          sa bawat pantig ng iyong pag-ibig.

          Matiyagang tagapagtala ng sarikulay

          na karanasan. Maingat na tagapagkipkip

          ng pilat at matapat na tagapaglihim

          ng bawat mong pangamba.

4. Sa mga tulang payak at bilang ang mga pantig, nagagawa ni Arguelles na mag-iwan ng napakatingkad na sitwasyon. Sa “Umaga Pagkaulan” (14), matingkad ang imaheng “dinungaw/ ng araw/ ang patak/ ng ulang/ naghikaw/ sa kawad-/sampayan”. Ganoon rin sa “Sinauna” (78) na maselan ang pagkakalarawan sa seks: “Nananabik sa basal/ na tubig—yaong kiming/ nababasag sa karnal/ na kanal, banal na gumigiti”. Kakaiba at kakatuwa naman ang epekto ng mga linya sa “Bestiyal” (87) hindi dahil sa paglalarawan mismo sa sitwasyon kundi sa madadalumat na tunog ayon sa mga sitwasyon: “inaani ang huni ng bubuwit/ kung tinatambol ang puwit” at “Pinupupol ang kahol ng aso/ kung pinipiyano ang suso”.

5. Sa mahabang tulang “Temple Tuttle” (101), malaya ang daloy ng mga sentimiyento ng personang lubos ang panghihinayang sa hindi pagkapanood sa pag-ulan ng bulalakaw. Nagmamaktol ang persona sa pagiging bihira ng penomenong kanyang hindi naranasan:

—subalit mahirap

itong kaagad maunawaan ng tulad kong tuwina’y

napasusuntok lamang sa hangin, umuupo sa kanto

upang magbuga ng bilog bilog na usok ng sigarilyo

at tumititig sa bangketa, sa siyudad ng alab at ingay,

ng tula at ligalig.

6. Parang may itinatayong bakod si Arguelles sa karamihan sa tula. Malinaw ang kanyang paglalarawan sa mga bagay at pangyayari subalit mahirap makuha ang lohika ng mga detalye. Kakulangan marahil ito sa organikong kaisahan. Sa mga huling linya, imbes na gumawa ng kongklusyon, tinatalakay niya ang isang espesipikong sitwasyon at doon tinatapos nang walang pagbubuhol o pagbibigkis ng mga ideya.

7. Bakit Menos Kuwarto? Kulang ng sangkapat ang koleksiyon. May 75 na tula na hinati sa tatlong bahagi. Nakatutuwang sa pagsuyod mo pa lang sa talaan ng nilalaman, magtataka ka na kung bakit nagsisimula sa ikaapat na bahagi ang koleksiyon at magtatapos sa ikalawang bahagi. Mula dito, kailangan mo nang basahin ang buong koleksiyon.

 Si Mesandel Virtusio Arguelles ay ang may-akda rin ng Ilahas (2004), Hindi man lang nakita (2005), at Parang (2008).

In Transitives by Isabelita Orlina Reyes

March 21, 2010

Reyes, Isabelita Orlina. In Transitives. Quezon City: University of the Philippines Press, 2005.

1.      Reyes’ collection tackles things that are passing or that have the power to make. Exploiting enjambment and juxtaposition, Reyes’ moving and, often, erratic lines, produce energy that explores and/or creates places, spaces, and the temporal. The lines are suggestive, not dictating; profound and yet still fumbling for meaning in the void, groping in the abyss.

2.      In “In Between” (7), the poem explores the space in between the rise and fall of waves or ripple, “the lift between // your footfalls”, and between “one banality to the next”. The poem concludes with another exploration of what is in between the one leaving and the one left: “I see the door // closing, the scent of you, /insinuation”.

3.      In the series of poems “What a thing is made of” (9, 17, &27), sandwiched between poems in the collection, the persona explores possibilities of what might be present amidst the “hypnotic /comfort in a city of sudden starts”: the space for calibrating one’s emotion, the space between the form and the formless, lovers to sheer love, etc. is something one woudn’t want to see.

4.      In “Losing the Trivial” (19), the persona considers the departure of a loved one trivial: “You leave, /like you always do, a white tuft/ like smoke, like nothing more” arising from the equally trivial experience of losing touch with other people: “like you wanted/ to keep me, but we weren’t/ listening, I had to go home”. She then concludes that the tragedy of life is not the unexpected but rather our daily concerns:

          Driving to work everyday,

          pretending conversation, music

          of an unfamiliar generation,

          the sun scorching, the death of love

          for the polite exchange, the simple repast.

            We wallow in our quotidian lives and there’s “nothing new or bleak”.

5.      In “The Stone” (21), the persona is intimate in relating her story, tying up fragments from her and her sister’s life and the death of the latter. The lines resonate with the line after or before them so there’s coherence and organic unity. But then, the gaps between the passages are so much one can feel that the reader-expectator is left on the side. The ultimate effect is the simulation of experiencing what is between the passages, what is in transit that is in the making, and what is made is this void coated with the intimacy of the confession or the retelling.

6.  In “Too Many Dreams” (29), the persona presents a series of dreams made interesting by its seemingly unmediated way of retelling. The persona is like recalling her dreams to herself and does not solicit wonder from the reader but in so doing, succeeds in narrating gross and often hilarious situations and objects. 

Isabelita Orlina Reyes is also the author of Stories from the City (1998).

 

Apokripos ni Jerry B. Gracio

March 12, 2010

Gracio, Jerry B. Apokripos. Quezon City: University of the Philippines Press, 2006.

1. Pangit ang mga tula sa una at ikalawang bahagi ng koleksiyon. Gasgas na ang mga imaheng ginamit at karaniwan ang mga ideya gaya ng sa “Lobo” (4): “Kung kulubot na ako at impis, / saka natin pag-usapan ang pab-ibig”; sa “Sa Pier 14” (5): “Ako pa rin sana ang maging pantalan mo / Tuwing dadaong ang iyong puso / Kahit na sa malayong pulo”; sa “Paglilinaw sa Ilang Bagay” (11): “Basta ang importante’y magkasama tayo: / Ikaw, / Ako”; at sa iba pang mga tula.

2. Halos lahat ng mga tula sa una at ikalawang bahagi ay nagtatapos na wala sa tugma at/o tunog at hindi bagay ang mga huling linya kung ikukumpara sa mga nauna. Halimbawa sa tulang “Pagpapalipas Oras” (8), ang mga unang linya’y “Gaano kahaba ang mga sandali? / Sa bukid, tumutubo angmga binhi, / ang dating abuhing lupa, / Nakukumutan ng ng lunti.” Samantala, ang magiging kongklusyong mga linya ay “Ang paghihintay sa minamahal ay sintagal lamang / ng kakayahan ng pusong magpatuloy sa pagtibok.” Magkakatunog ang mga unang linya habang para namang pinakawalan nang walang kagatol-gatol ang mga huli.

3. Nakabawi naman si Gracio sa ikatlo at ikaapat na bahagi ng koleksiyon (at sa isang tula sa ikalawang bahagi). Sa “Paglalanggas” (36), naging akma ang paggamit ng eksaherasyon at bulgar na wika sa paglalarawan sa karanasan ng paglalanggas. Subalit kung gaano naman kagaspang ang mga imahen, siya namang lamyos ng hagod ng mga salita sa mga linyang “Ngayon, ang pinagmulan ko ay may sugat; / Nais ko itong maghilom kaya ako ang naglalanggas.”

4. Maselan naman ang hawak sa salita sa paglalarawan ng erotikong sitwasyon sa “Monologo ng Birhen”(54). Mapagtimpi ang paglalarawan kaya naiiwang nag-aabang ang mambabasa sa nais na ihayag ng tula habang kinakaligkig ang laman sa kung ano ang ibig sabihin ng mga linya na sa huli’y mauuwi sa makapigil hiningang: “Nang papasukin kita sa loob ng silid, / Namatay ang ilaw, kahit di ko ibig. / At nang humikbi ang sahig, / Naging kulay pula ang langit.”

5. Naisilid sa mahabang tulang “Pasalubong” (60) ang mga partikular na karaniwang pangyayari sa buhay ng maybahay. Sa kontextong ito, taliwas ang magiging pasalubong ng babae sa kanyang asawa, hindi ang inaasahang walis kundi ang pangkamot na kahoy. Hindi tahasan ang pagsisiwalat ng persona kundi dahan-dahang paglabas ng saloobin, pagpaparamdam, pagpapasaring, at sa huli, pang-iiwan, tahimik na pagsuway sa karaniwang inaasahan.

6. Nakakatawa naman ang “Silip” (62) sa pamamagitan ng pagsakay sa ideyang nakikita ng Diyos ang lahat na nangyayari at walang maitatago ang tao. Sa harap ng nakakaasiwang realisasyong ito, wala nga namang magagawa ang tao kundi biruin ang Diyos sa sarili niyang laro: “At oo, / maaari nating itigil ang romansahan, / ipagpaliban ang pagtatalik / sa ibang araw; at iwanang / bitin ang Diyos.”

7. Binigyang katawan ni Gracio ang konsepto ng lungkot sa “Ang Kalungkutan” (63). Tumatabi ito sa tao, nangungusap, nanghihipo, walang sawa sa pagsunod at napapawi lamang ang pagsasakarnal ng lungkot na ito kapag “nagsawa sa mga kuwento kong paulit-ulit”. Sa paraang ito lamang magtatago ang kalungkutan pero nandiyan lamang, kimkim-kimkim, hindi nawawala: “Ngayon, para ko na siyang matalik na kaibigan / o keridang itinatago ngunit mahal na mahal.”

8. Sa ikaapat na bahagi ng aklat, sinubukang bigyang sinag ni Gracio ang mga salaysay mula sa Bibliya. Apokripos samakatuwid ang mga tula bilang texto sa pagbibigay ng kakaibang mga interpretasyon sa mga salaysay sa Bibliya at paglikha ng mga sariling salaysay sa mga bahaging hindi nalinaw o naipahayag sa banal na aklat. Nariyan ang tahimik na pagmamaktol ni Lazaro na naunsiyami sa kanyang pagtulog; ang pagkalula ng mga apostoles sa rami ng taong kailangang buksan ang saradong mga puso; ang salaysay ng buhay ni Zaqueo, hindi ang bahaging nagkadaupang palad sila ni Hesus kundi habang hinaharap ni Hesus ang kamatayan; ang mapagpalayang biyaya ng ahas kontra “sa marahas na pag-ibig ng Diyos”; atbp.

May akda rin si Jerry B. Gracio ng Aves (2009).

Leaving Yuba City by Chitra Banerjee Divakaruni

March 5, 2010

Divakaruni, Chitra. Leaving Yuba City. New York: Doubleday Publishing Group, 1997.

1. Divakaruni’s poems are intimate explorations of various vicarious and personal experiences. In “The Nishi” (4), the persona tells of the sweet memory of her mother’s voice putting her to sleep; the sound of sex violence next room; the coldness of her mother’s whisper sending her to the closet; the longing for her mother’s voice that will make her feel well again; the love songs and the story of spirits who died of violent death; her mother hanging herself after she slept; and the deep longing to be with her mother again while calling her sweet name.

2. In “Blackout” (26), the poem captured the image of wonder at violence after going through an ordeal hiding in a bunk. The persona dreams of her sister cut by a glass on her cheek: “And in its center…the old/ moon-woman with her wheel, spin, spin, spinning/ them out/ like a long thread of blood, all tangled up,/ the stories of our deaths”.

3. In “Villagers Visiting Jodhpur Enjoy Iced Sweets” (35), Divakaruni captured the moment that when cruel men suck ice cream, they forget their being men “and are, briefly, real”.

4. In “The Babies: II” (40), the persona explores the lingering and consuming feeling of attachment to orphaned children: “They suck and suck all through my sleep so that when I awake I will carry inside my buttoned-up body the feel of their tugging mouth”.

5. In “The Lost Love Words” (76), the persona is intimate in describing what she does to retrieve the lost love words of her husband but the feeling elicited is creepy because of the surrealistic and almost psychotic act of the woman finding the lost in rotting items in her refrigerator, eating them, and imagining her husband carress her stomach to feel what is lost but is now found.

6. In “The Tourist”, Divakaruni describes a common travel scene like getting lost, fearing strangers, etc. instead of writing imagistic lines or dramatic scenes. What the poem does is to present a subtle experience, almost ordinary yet touching, the sudden transition from an expected violent encounter to a gentle slowing down of frames: the arrival of the dog, sheets drying in the sun, the smell of rain, the breeze, and then “They stand there, man and woman and dog, watching the bright purple flowers tumble over the broken bricks”.

7. In “Growing Up in Darjeeling” poems, Divakaruni touches on subtle and delicate feelings of the persona’s dormitory experience. In “The Walk” (9), the girls sing hymns while walking on the hills, realize their distance from the dormitory and the downtown, smell “real” food, and get wet in the rain while a woman watches wide-eyed “the long lines of girls, all of us / so far from home”.

8. In “Geography Lesson” (12), the persona remembers the corporal punishment while detailing the nun’s geography lesson and all throughout feels cold and uncomprehending in face of “the various properties of the heavenly bodies,/ their distance, in light years”.

9. In “The Infirmary”(14), the persona fears talking about her being able to talk to spirits and just finds refuge, comfort, and feels “like grace had called me back” from the cool voice she hears.

10. In “Learning to Dance” (18), the girls feel the drowning weight of effort to be well in dance “until Sister’s voice disappeared/ under the red roar in our ears, we whirled/ to the future on our blood-beat”.

11. In “Going Home Day” (21), the rush of memories and images that will be forever etched in the dormer’s minds: “the dormitory, squat and grey as prison” becomes “emptied of night-memories, weeping children”; the “Christ hangs/ in gilt-framed agony against a fiery sky” smiles; the hilarious image of “the nuns,/ black-robed witches who carried/ poison apples in their pockets” becomes ordinary mothers; hearing from them their mothers’ tones; the final comprehension of “those ruler cuts/ on palms and back of legs, the awkward, pained/ alphabet of their love” they had to experience “for it’s hard world/ they’re sending us into”; and the finale of wrenching feeling when these memories seeming so recent come together all at once, missing everything while taking for granted and living in fear while they were at it: “we are clean and glowing and amazed/ with it, amazed to find that we are weeping,/ wishing we were coming back”.

12. In “Indian Miniatures” poems based on a series of paintings by Francesco Clemente, Divarakuni’s unique ekphrastic style is showcased. Instead of describing what is in the painting and/or delving into the painting’s background or subtext, she paints in words what is not there and just connect the poem to the painting with a minimal reference.

13. In “The Maimed Dancing Men” (45), men compare the unseen presence of their absent limbs to the “stars/ in the blind day, like the palace minarets/ the traveler in a painting never sees/ because they are behind the mountain,/ like the flute-notes balancing/ light as dust/ on the dark air of this banquet hall/ after we have gone”.

14. In “The Bee-Keeper Discusses His Charges” (47), the persona describes his experience with bees, much like an experience with fish as one will realize later on, even if it’s far from what the painting is. The juxtaposition of experience of fishing and dealing with bees resulted to the comparison of the two even if they were not compared directly. In the last lines: It’s getting to where/ I’m about ready to step/ over the border of this painting/ into my other life, the one where/ I’m keeper of the fish.

15. The same ekphrastic style was applied to the other 5 poems.

Chitra Banerjee Divakaruni is also the author of the following books: One Amazing Thing (2010), Shadowland (2009), The Palace of Illusions (2008), The Mirror of Fire and Dreaming (2005), Queen of Dreams (2004), California Uncovered: Stories for the 21st Century (2004), The Conch Bearer (2003), Neela: Victory Song (2002), Vine of Desire (2002), The Unknown Errors of Our Lives (2001), Sister of My Heart (1999), The Mistress of Spices (1997), Arranged Marriage (1995), Black Candle (1991), and The Reason for Nasturtiums (1990).